Tuesday, September 23, 2014

Lovestruck: Sakit Edition

Hi readers! Got quite some time before I had this post.:) I am actually excited about this dahil first time kong gagawa ng book review dito sa blog. At Lovestruck: Sakit Edition pa talaga. Haha. Pero I would not make it this book review so serious. I would just share to you, dear reader, how this book inspired me and gave me a new perspective about having “sakit editions” in our lives. So, for everyone who had read the book, feel free to leave a comment and share how this book personally touched you. Pero sa lahat ng hindi pa ito nababasa, I might give spoilers kaya beware nalang. :) 

Lovestruck: Sakit Edition front and back covers
Here is that awesome book. :) Again, I have it at the Manila International Book Fair (MIBF) na ginanap last September 17-21, 2014, specifically at the OMF Literature Booth. Ang huling balita ko, hindi pa ito na-re-release at bookstores nationwide and una talaga itong inilabas sa MIBF. Which means, napaka-blessed ng mga umattend ng book fair. :) Ito ay isinulat ni Pastor Ronald Molmisa and this is the fourth book of the Lovestruck series. Ang Lovestruck series ay hindi isang nobela; ito ay series ng mga inspiring na libro. So, kahit ano ang masimulan mong libro, may mapupulot kang aral and makaka-relate ka. :) Nakakatuwa ang tag line ng libro sa likod: "Lord, give me amnesia para makalimutan ko na siya!" Natawa ako nang una ko itong nabasa dahil relate much talaga. Lahat na ata ng nasaktan humanap ng paraan para makalimutan ang nakalipas na pag-ibig at nandoon na ipagdarasal pa ang amnesia. Relate much ako kasi dumanas din ako ng minsang sakit edition sa buhay ko. And yes, I also once prayed to have selective amnesia. Selective para yung part lang niya yung mawawala. :) Pero hindi naman nangyari at kilala ko parin siya at alam ko parin ang nangyari noon, pero hindi na kasing-sakit tulad ng dati. :) Bakit at paano? We'll have that later. 

Pastor Molmisa's signature and dedication for me.
I am just so happy for this. Sorry kung pangalawang appearance na nito pero nakakatuwa talaga kasi nakapagpa-sign ako. :) 


The Table of Contents.
Moving on, this is the table of contents with its catchy titles. :) Nakakatuwa yung mga titles ng bawat chapter. Some are from movies, songs, etc. Nakaka-lighten ng theme ng book yung bawat title. Being heartbroken and all is so depressing. Mahirap pagdaanan ang bigong pag-ibig and mahirap din makakita and nakakalungkot makasama ang mga taong heartbroken. Nandyan na maaawa at maiiyak din tayo dahil sa pinagdadaanan nila at talagang kailangan ang mahabang pasensya nang pagpapayo at pagdarasal para sakanila. But having the titles make us somehow smile and wonder what those chapters contain. :) Nakaka-excite at napaka-page turner ng libro. :D

For me, God had again inspired lots of people through Pastor Molmisa with this book. It tackled different issues and lahat talaga ng kaugnay ng pagiging heartbroken natalakay dito. From being seenzoned to issues of adultery among married couples, to moving on and starting all over again, lahat nandito. Ang maganda sa bawat libro ng Lovestruck Series, including Sakit Edition, God is always connected to every topic and He is always the center. Hindi nawawala sa lime light si God and iyon naman talaga ang importante. Because God's Words on anything and everything in our life are important. And we should never forget the One who gave us the ability to love for He showed what true love is when He gave His only Son to die for us. At iyon ay ang Panginoon. :)

If I would share my own sakit edition, kinda nakakasawa na for me. Haha. Alam niyo kung bakit? Eh sa dami naman kasi ng nasabihan ko, nasanay na puso ko. :D From my cell leader, friends whom I know na alam ang talagang pinagdaanan ko, elders and leaders ng church, at paulit-ulit na pagku-kwento sa bawat dasal ko kay God, hay naku, madami na talagang beses. Siguro kasi, sa paulit-ulit na pagkukwento sa mga reliable na tao, and even as a good testimony sa buong church, wala nang natirang kahit anong bahid ng ka-bitter-ran sa puso ko. Kaya, I really suggest na dumaldal ka lang talaga ng dumaldal at umiyak hanggat gusto mo, kapatid, kung iyan ang makagagaan ng mga dinadala mo. :)

Real stories from real people.
Isa pang bagay na nakapagbigay puso sa librong ito ay the fact na ito ay inspired sa bawat totoong taong nakaranas ng totoong heart breaking experience. And this page shows an example of the many real testimonies and stories included in the book. Ang mga stories ay galing sa bawat taong humingi ng payo kay Pastor Molmisa. Parang movies, the best parin ang mga true to life stories. And these stories are, I believe, not meant for us na pagtsimisan dahil ang iba ay sensitive. These stories should serve as lessons for us and should give us a preview nang mga posibleng mangyari once na parang nakakaranas na tayo ng mga the same situations.

"Ang pagmo-move on ay hindi paglimot sa naganap. Kailangang magka-dementia o amnesia ka muna siguro para mangyari iyon. Ito ay pagsasabi sa iyong sarili na hindi ka pwedeng forever magtatampisaw sa pagdurusa. Hindi mo dine-deny na ikaw ay nasaktan pero may dahilan ka para magpatuloy sa buhay. Kaya desisyon iyan. Walang makakagawa para sa iyo. Ikaw lang."- Pastor Molmisa, Lovestruck: Sakit Edition

This is what I mean by how I did move on. Mahirap pero decision talaga natin kung mananatili tayo sa lugar na kinasadlakan natin, habang yung nanakit saatin masaya na at maaaring hindi pa nga tayo naiisip. Hindi ko rin noon inakala na makakapag-move on ako dahil minahal ko siya ng sobra. Pero nabuhay ako para sa Panginoon, at para sa mga taong alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Hanggang unti-unting nakahakbang ang buhay ko mula sa madilim na nangyari. At mas alam ko na ngayon kung bakit hindi talaga pinahintulutan ng Panginoon na makasama ko siya. At ang maganda kapag ang Panginoon ang kasama mo sa bawat heart break mo, mapapatawad mo ang sarili mo at ang mga taong nanakit sayo. Hindi tayo magiging bitter. :)

This is just a glimpse of what God can tell you through this book. :) Be blessed kapatid! Pray ka lang always dahil God is always close to the broken hearted and He wants to hear all of your thoughts. :) God bless you! :D




No comments:

Post a Comment