Sunday, August 31, 2014

Ang Kaligayahan na Baguhin ang Mundo; One Soul at A Time

"Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon."
  "At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.'" (Lucas 5: 8 & 10)
Disyembre 31, 2012. Bisperas noon ng bagong taon. Bago maluma ang mga kalendaryo at magsimulang mag-ingay ang paligid sa pagsalubong ng taong 2013, buong puso kong tinanggap ang malinaw na pagtawag ng Panginoon sa akin sa discipleship. Hindi basta-basta o biglaan ang naganap na pagtawag. Ako ay naging mistulang bingi sa Panginoon sa loob ng halos dalawang taon. Hindi ako perpekto at napakapasaway ko talaga ngunit nagtiyaga saakin ang Panginoon at hinintay Niyang ang puso ko ay maihanda para sa gawaing ito. Wala na ngang hihigit pa sa pagiging instrumento ng Diyos sa pagbabago ng buhay ng isang tao tungo sa pagkilala ng lubusan kay Hesus at sa kung ano ang importansyang ginawa Niya sa Krus.


Bakit dalawang taon? Sapagkat ako ay nakakilala na sa Panginoon, taong 2010. Ako ay nasa unang taon sa kolehiyo at talagang masasabi kong napakasaya ng araw na yun dahil alam kong ako ay ligtas na sa aking mga kasalanan at ako ay napatawad na ng Diyos. Ngunit sandali akong naging bingi sa pagtawag ng Panginoon dahil sa maling pag-ibig. Pag-ibig nga naman. Haha. Naging mistulang roller coaster ang puso ko. At dahil wala sa panahon, sakit at sakit lang din ang idinulot nito saakin. Ramdam ko ang bawat pagpigil at pagsalba saakin ng Diyos sa sakit na idinudulot ko sa aking sarili ngunit nagpumilit parin ako. Hanggang dumating ang isang araw, Disyembre 28, 2012, talagang naputol na ang lahat. Nasaktan lamang ako. Nakasira pa ako ng isang pagkakaibigan.

Ramdam kong napakadumi ng puso ko dahil nagpakababa ako para sa isang maling pagakakataon. Tulad ni Simon, nasabi ko sa Panginoon na napakamakasalanan ko at hindi ako deserving. Ngunit tila sa akin nangusap ang Panginoon nang sabihin Niyang, " Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao. (Lucas 5:10)" Ramdam ko ang pagpapalaya sa akin ng Panginoon at ramdam ko ang Kanyang pag-unawa at ang napakalaking pagmamahal na kaya Niyang ibigay saakin sa kabila ng aking mga pagsuway. Sabay ng pagbabago ng taon, nagbagong muli aking buhay at ang aking puso. Masaya at malaya kong sinalubong ang 2013. Alam kong tapos na at hindi na muling babalik ang mga alaala ng mga pagkakamali ng nakaraang taon ng 2012.

Maraming surpresa at hamon ang 2013. Isa sa mga pinakahindi ko makalilimutan ay ang aking pagdalo sa Re-Encounter. Ito ay isang retreat para sa mga leaders na mayroong hinahawakang cell group. Ibig sabihin, nagsimula akong magkaroon ng isang cell group taong 2013. Nagsimula ako sa isa, hanggang naging apat, at sa ngayon ay sila ay walo na. Ang aming goal ay mabuo ang labindalawang disipulo katulad ng naging halimbawa ng Panginoong Hesu Kristo. Isa lamang itong pangarap dati. Nangarap lamang akong maging isang cell leader at kahit mahirap at matagal ang naging proseso, hindi ako tumigil mangarap. Hanggang sa isang araw, unti-unting ginagamit ng Panginoon ang puso ko sa pagbabago ng mga buhay ng bawat taong Kanyang ihinahabilin sa akin.




At magmula ngayon, marami pa ring bagong itinuturo sa akin ang Panginoon sa larangan ng discipleship. Hindi ako perpekto kaya maya't-maya parin ang aking mga pagkakamali. Ngunit sa lahat ng ito, nais lamang ng Panginoon na magfocus ako sa Kanyang mga ipinapagawa at sinasabi.
Palabok, pansit, at kutsinta.

Ang pagdidisciple, bagaman napakalaking hamon, ay isang napakasaya at fulfilling na gawain. Dahil maraming mga surpresa ang sadyang nakalaan sa bawat taong susunod sa Panginoon sa pagdidisciple. Tulad ng pagkakaroon ng libreng pagkain. ;) Yung tipong andoon ka lamang upang i-follow up ang iyong kaibigan ngunit may libreng pakain ka pang madadatnan. Ganyan talaga kapag ika'y pinagpala. :)

Patuloy akong maglilingkod at susunod at makikinig sa Panginoon. Hangad kong maging kaisa sa pagbabago ng mundo; one soul at a time. Dahil naniniwala akong tanging ang Panginoon lamang ang kailangan ng mundong ito.

No comments:

Post a Comment